Duterte-Cayetano, naki-almusal sa mga taga-Binondo

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Hatinggabi nang sinimulan ng tambalang Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano ang kanilang pag-iikot sa Binondo, Maynila bilang pagsisimula na rin ng campaign season.

Sa pakikipag-usap ni Mayor Rodrigo Duterte, kabilang sa mga ipinangako niya sa mga residente ng Lavesares St. Binondo, Brgy. 286 zone 26 sa district 3 ng Manila ang pag-alis ng kontrakwalisasyon na nagpapahirap sa mga manggagawa.

Ang pahayag na ito ni Duterte ay bilang tugon na rin sa problemang sinasabi sa kanya ng ilang residente na kawalan ng trabaho.

Pinangako rin ni Duterte na magtatayo siya ng TESDA sa lugar para magkaroon ng trabaho ang mga taga-baragay.

Muli inulit rin ni Duterte na ayaw nito ng droga at krimen.

Nilinaw din ni Duterte na sa kanyang pagmumura ay dahil na rin sa pahirap na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa mamamayan.

Ayon kay Brgy. Captain Abet Loresto, aabot sa 200 hangang 300 katao ang sumalubong kina Duterte at Cayetano.

Read more...