Antas ng tubig sa Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Muling bumaba ang antas ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Martes ay nasa 196.51 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 196.92 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.
Samantala, bahagyang nadagdagan ang water level ng Ipo dam na nasa 101.03 meters alas-6 ngayong umaga mas mataas sa 101.00 meters na antas nito kahapon.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.99 meters naman ngayon ding umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 76.96 meters.
Habang nadagdagan din ang water level ng Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.