Italian Cardinal positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang senior Italian Cardinal na si Cardinal Angelo De Donatis.

Si De Donatis ay nagsisilbi ring vicar ni Pope Francis para sa diocese of Rome.

Siya na ang ang maituturing na pinakamataas na opisyal ng Simbahang Katolika na tinamaan ng sakit.

Base sa pahayag ng tanggapan ng cardinal, nagkasakit ito kaya ipinasuri para sa COVID-19.

Sumailalim na sa voluntary quarantine ang mga aide ng cardinal.

Edad 66 si De Donatis at ayon sa pahayag, hindi naman ito nagkaroon ng contact kay Pope Francis nitong nagdaang mga araw.

Read more...