Sa datos mula sa PAGASA, 37.3 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Cotabato City kahapon.
Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:
Tuguegarao City – 36.9 degrees Celsius
Camiling, Tarlac – 36.2 degrees Celsius
San Jose, Occidental Mindoro – 36.1 degrees Celsius
Echague, Isabela – 35.8 degrees Celsius
Bahagya namang bumaba ang temperatura sa Quezon City na umabot lang sa 32.3 degrees Celsius ang maximum sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng hapon.
READ NEXT
Responsibilidad ng mga ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act pinalalatag ni Pangulong Duterte
MOST READ
LATEST STORIES