Sa pamamagitan nito sinabi ng pangulo na magiging tuluy-tuloy ang pagresponde ng pamahalaan sa pandemic ng COVID-19.
Pinatutukoy ng pangulo ang partikular na responsibilidad ng bawat ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng naturang batas.
Kung malinaw aniya ang magiging tungkulin ng bawat ahensya hindi na kailangan na dumaan pa sa kaniya o kuhanin pa ang kaniyang clearance sa bawat hakbang na gagawin.
βAll of the details of our actions will be part of my report which will be submitted to Congress pursuant to the Bayanihan Act,β ayon sa pangulo.
Ang Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act No. 11469) ay nilagdaan ng pangulo kamakailan na nagbibigay sa kaniyang ng dagdag na kapangyarihan para matugunan ang krisis sa COVID-19.