Kaso ng COVID-19 sa Laguna, nadagdagan ng anim

Nadagdagan ng anim ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Sa datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 4:00, Lunes ng hapon (March 30), nasa 39 na ang COVID-19 cases sa lalawigan.

Naitala ang kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Sta. Rosa – 9
– San Pedro – 8
– Calamba – 6
– Biñan – 5
– Los Baños – 3
– Cabuyao – 3
– Bay – 1
– Lumban – 1
– Nagcarlan – 1
– Pila – 1
– San Pablo – 1

Samantala, nanatili sa 717 ang napaulat na patients under investigation (PUIs).

Habang 5,644 naman ang ongoing persons under monitoring (PUMs) at 7,677 ang cleared PUMs.

Read more...