Bilang ng Filipino na namatay dahil sa COVID-19 sa abroad, umakyat na sa siyam – DFA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 30, nasa 348 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 30 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 228 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 111 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Umakyat na sa siyam ang bilang ng nasawi dahil sa sakit.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 174 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 97 kaso, Middle East na may 48 na kaso habang ang Americas naman ay may 29 cases.

Read more...