RITM, kaya nang sumuri ng 900 hanggang 1,000 samples kada araw

Mas marami nang samples ang kayang masuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon kay RITM Director IV Dr. Celia Carlos, lumawak na ang kapasidad ng laboratoryo sa pagsusuri ng mga sample sa COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na aniya sa 900 hanggang 1,000 samples ang nasusuri ng RITM.

Malayo ito kumpara sa nagagawang 300 tests kada araw noon.

Ipinaliwanag naman ni Carlos kung paano sinusuri ang accuracy ng mga test kit na ibinibigay o donasyon sa Pilipinas mula sa ibang bansa.

Sumasailalim aniya ang mga test kit sa tinatawag na validation process.

Read more...