Ikalawang temporary quarantine facility sa QC, bubuksan na sa Martes

Nakatakdang buksan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ikalawang temporary quarantine facility sa lungsod sa Martes, March 31.

Ito ay ilalaan para sa mga person under investigation (PUI) sa sakit na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang quarantine facility na tinawag na Hope II ay nasa bahagi ng Quezon City University (QCU) Complex sa Novaliches.

Mayroon aniya itong 168 na bed capacity para sa PUIs.

“The quarantine facility has a 168-bed capacity for PUIs who are unable to undergo self-quarantine in their respective homes,” ani Belmonte.

Layon nitong malimitahan at ma-control ang paglaganap ng nakakahawang sakit sa QC.

Mabibigyan ang mga pasyente na ico-confine sa Hope II ng pagkain, isolated space, personal hygiene kits at gamot.

Hanggang araw ng Linggo, March 29, nasa 10 COVID-19 positive patients at 24 PUIs ang naka-confine sa Hope-1.

Read more...