Mayor Moreno, sumailalim na rin sa self-quarantine

Photo grab from Mayor Isko Moreno’s Facebook accounts

Sumailalim na rin si Manila Mayor Isko Moreno sa self-quarantine.

Ito ay matapos magpositibo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa kaniyang City Address sa Facebook, sinabi ng alkalde na nakasailalim na siya sa self quarantine dahil nakapulong niya ni Garcia nitong mga nagdaang araw.

“We limit our interaction with people and we utilize maximum social distancing,” ani Moreno.

Tiniyak din nito na malusog ang kaniyang pangangatawan.

“Sa awa naman ng Diyos, nais kong ipabatid sa inyo na ako naman po ay mukhang malusog,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat naman ni Moreno sa mga nagpaparating ng pag-aalala sa kaniyang kalusugan.

Read more...