Doktor sa Laguna hindi COVID-19 ang ikinamatay

Taliwas sa naunang balita, hindi COVID-19 ang ikinasawi ng doktor na si Dr. Raquel Seva mula sa Laguna.

Negatibo ang resulta ng COVID-19 test na ginawa kay Seva base sa impormasyon na ibinahagi ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Evangelista Medical Specialty Hospital.

Ayon sa pahayag ng ospital, nais nilang itama ang mga naglabasang balita noong March 26, 2020 na COVID-19 ang ikinamatay ng doktor.

Sa ngayon base sa datos ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) ay labingdalawang doktor na ang pumapanaw sa sakit.

Read more...