Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng M4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ang pagyanig ay naitala sa layong 54 kilometers southeast ng Jose Abad Santos alas 11:41 ng umaga ng Lunes, March 30.

May lalim na 49 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...