Operator ng motorbanca sa Cagayan huli ng coast guard sa paglabag sa ECQ

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Cagayan ang isang operator ng motorbanca dahil sa paulit-ulit nitong paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine.

Habang sakay ng kaniyang motorboat sa landing wharf sa Barangay Centro 15 sinabihan ng coast guard ang operator na si Caren Pallago, 45 anyos na umuwi na lamang dahil may umiiral na ECQ.

Pero sa halip na sumunod ay nagpatuloy ito sa pagpapa-andar ng kaniyang bangka at dumaong sa river bank sa Barangay Minanga.

Ayon sa coast guard nilabag ni Pallago ang Section 3 ng EO 2020-14 ang Republic Act 11332 at ang Article 151 ng Revised Penal Code.

Dinala si Pallago sa Aparri Police Station para masampahan ng kaso.

Read more...