Sa ipinatawag na press briefing sinabi ni CAAP deputy director general Donald Mendoza na ang inisyal na aksyon ay i-ground ang lahat ng feet ng Lionair. Ito ay kasunod ng pagliliyab ng isang medical evacuation plane nito na ikinasawi ng walong katao.
Sinabi ni Mendoza na magsasagawa sila ng malalim na imbestigasyon sa nangyari.
Sa loob lang ng anim na buwan ay nasangkot sa dalawang aksidente ang eroplano na pag-aari ng Lionair.
Linggo nang gabi nang magliyab at sumabog ang RPC 5880 ng Lionair bago mag-takeoff sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Noong Sept. 1, 2019 bumagsak din ang Beechcraft King Air 350 na pag-aari ng Lionair sa Calamba City, Laguna.
Siyam naman ang nasawi sa nasabing insidente na maglilikas lang sana ng pasyente mula Dipolog City patungong Maynila.