San Jose, Occidental Mindoro kahapon umabot sa 37.1 degrees Celsius

Nakapagtala ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, March 29.

Sa datos mula sa PAGASA, 37.1 degrees Celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:

Camiling, Tarlac – 36.5 degrees Celsius
Catbalogan City – 36.5 degrees Celsius
Cotabato City – 36.5 degrees Celsius
Hacienta Luisita, Tarlac – 36.0 degrees Celsius

Umabot naman sa 35.6 degrees Celsius ang naitalang highest temperature sa PAGASA Science Garden sa Quezon City kahapon.

Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees Celsius ganap na alas 1:50 ng hapon.

Read more...