Noong Sabado (March 28) lumabas ang resulta ng test ng vendor kaya nagpasya ang pamunuan ng Barangay 456 na ipasara muna ang palengke.
Nabatid na nagtitinda ng baboy ang pasyente.
Itinuring naman nang PUIs o persons under investigation ang dalawang nagkaroon ng direct contact sa vendor, ito ay ang kaniyang pamangkin at isa pa na kasama niya sa palengke.
Sasailalim muna sa disinfection ang buong palengke at iaanunsyo na lamang muli kung kailan ito bubuksan.
MOST READ
LATEST STORIES