Sa inilabas na pahayag, sinabi ng alkalde na ito ay matapos ipagbigay-alam sa kaniya ng isang San Juan City Health Officer na isang staff ng Mayor’s Office ang nagpositibo sa COVID-19.
Maayos naman aniya ang kaniyang kondisyon at walang nararamdamang sintomas ng virus.
“But becauuse I have been exposed to a positive patient, I have decided to go on self-quarantine as a safety precaution for everyone,” ani Zamora.
Gayunman, patuloy pa rin aniya niyang tututukan ang day to day operations ng lungsod lalo na pagdating sa medical at social aspects laban sa COVID-19.
Magiging aktibo pa rin aniya siya sa social media para magbigay ng update at abiso.
Umaasa na rin ang alkalde sa pagbubukas ng 25-room COVID-19 ward sa San Juan Medical Center.