Mga Pinoy sa South Korea, pinaalalahanan ukol sa social distancing

Pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea ang mga Filipino doon ukol sa social distancing.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng embahada na dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa ipinatupad na social distancing campaign ng pamahalaan ng South Korea.

Layon lamang anila nito na malabanan ang paglaganap ng COVID-19.

Sinabi ng embahada na ipatutupad ang nasabing kampanya hanggang sa April 5, 2020.

Ang sinumang lumabag ay maaari anilang masampahan ng kaso.

Kasunod nito, pinayuhan ng embahada ang mga Filipino sa nasabing bansa na pansamantalang itigil ang mga pagtitipon habang ipinatutupad ang social distancing sa South Korea.

Dagdag pa ng embahada, mahalaga ang pakikipagtulungan ng bawat isa para masugpo ang virus.

Read more...