Higit 50 nahuli sa Navotas dahil sa paglabag ng home quarantine

Mahigit 50 ang nahuli ng mga otoridad sa Navotas City dahil sa paglabag sa home quarantine protocol.

Batay cumulative report ng pmahalaang lokal ng Navotas, nasa 57 ang nahuli hanggang 6:00, Linggo ng umaga (March 29).

Dahil dito, umabot na sa 408 ang kabuuang bilang ng mga nahuhuli sa lugar dahil sa home quarantine violation.

Muli namang pinaalalahanan ang mga residente sa lugar na sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Read more...