Singapore, nag-donate ng 40,000 COVID-19 test kits sa Pilipinas

Nag-donate ang Singapore ng 40,000 COVID-19 testing kits sa Pilipinas.

Sa Facebook post ng Singapore Embassy in Manila, sina Singapore Ambassador Gerard Ho at Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant for Foreign Affairs Robert Borje ang nag-turnover ng medical supplies sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Maliban sa test kits, nag-donate rin ang Singapore ng dalawang ventilator mula sa Temasek Foundation.

Sinabi ng embahada na layon nitong makatulong para magkaroon ng maagang diagnosis sa iba pang hinihinalang kaso ng COVID-19 Pilipinas.

Nais din anilang makatulong ng ipinadalang ventilators sa mga pasyente na may malalang kondisyon.

Patuloy naman anilang makikipagtulungan ang Singapore sa Pilipinas para malabanan ang nakakahawang sakit.

Read more...