Citywide Misting Operations, isasagawa sa Maynila

Magsasagawa ng Citywide Misting Operations sa lahat ng distrito sa Lungsod ng Maynila sa Linggo ng hapon (March 29).

Ayon sa Manila Public Information Office, layon nitong maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Pangungunahan ang operasyon ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Manila Barangay Bureau (MBB) at mga punong barangay sa Sampaloc.

Sisimulan ang misting operations sa bandang 3:00 ng hapon.

Pinaalalahanan naman ang bawat barangay na alisin ang mga barikada at nakaparadang sasakyan para sa mas mabilis at maayos na mistung operation.

Read more...