PH Consulate sa Hong Kong, nagpaalala sa mga Pinoy sa bansa na bawal muna ang pagtitipon ng higit apat katao

Nagbabala ang Philippine Consulate General sa Hong Kong na ipinagbabawal muna ang pagtitipon ng mahigit apat katao sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Ayon sa konsulado, ito ay para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Sinabi ng konsulado na epektibo ito sa susunod na 14 na araw muna 12:00, Linggo ng madaling-araw (March 29).

Sinumang lalabag ay pagmumultahin anila ng HKD50,000 at papatawan ng anim na taong pagkakakulong.

Samantala, nagpaalala pa ang konsulado sa mga Filipino sa Hong Kong na mananatiling bukas ang kanilang tanggap mula Linggo hanggang Huwebes simula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Read more...