Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Bacoor, Cavite nasa 14 na

Nadagdagan pa nang dalawa ang kaso ng COVID-19 sa Bacoor, Cavite.

Sa datos ng Bacoor City Government, ang dalawang bagong kaso ay isang 46-anyos na lalaki at isang 68-anyos na babae.

Pumanaw na ang 68-anyos na babaeng pasyente bunsod ng virus.

Nagsasagawa na ang City Health Office ng contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng dalawa.

Sumasailalim na rin sa home quarantine ang mga pamilya ng dalawang pasyente.

Samantala, nasa 74 ang persons under investigation (PUIs) habang 514 naman ang persons under monitoring (PUMs).

Read more...