Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.2 na lindol sa Don Marcelino, Davao Occidental Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 88 kilometers Southeast ng Don Marcelino dakong 8:08 ng umaga.

32 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa lugar.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...