Total lockdown, ipinatupad na sa buong Laguna

Ipinatupad na ang total lockdown sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa Facebook, inanunsiyo ni Governor Ramil Hernandez ang pag-uutos sa lahat ng otoridad hinggil sa implementasyon ng total lockdown sa lalawigan.

Kasunod nito, ipinag-utos din ng gobernador ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na panuntunan.

Humihingi rin si Hernandez ng kooperasyon at pang-unawa sa mga residente ng lalawigan.

Sa huling datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 12:00, Sabado ng tanghali (March 28), nasa 23 na ang COVID-19 cases sa lalawigan.

Read more...