Ayon sa pahayag ng SMC, libre sa toll fee ang medical frontliners na dadaan sa sumusunod na expressways:
– STAR Tollway
– South Luzon Expressway (SLEX)
– Skyway
– NAIAx
– TPLEX
Para ma-avail ang libreng toll, kailangang kumuha ng special RFID sticker mula sa SMC Tollways o ‘di kaya ay ipa-convert ang kanilang existing RFID.
Maari itong gawin sa temporary booths ng SMC sa Shell Magallanes gas station at sa NAIAx toll gate mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.
Kailangan lamang ipakita ng medical practitioners ang kanilang PRC license card.
READ NEXT
Pangulong Duterte naka-self quarantine; hindi tatanggap ng bisita sa kaniyang ika-75 Kaarawan bukas
MOST READ
LATEST STORIES