Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo sa pagdiriwang ng pangulo ng kaniyang ika-75 Kaarawan bukas, siya naka naka self-quarantine lang pero patuloy na naka-monitor sa sitwasyon ng bansa.
Sinabi ni Panelo na birthday wish ng pangulo ay ang sumunod sana ang publiko sa paalala ng gobyerno na manatili lamang sa bahay at sana ay malagpasan ng bansa ang outbreak ng COVID-19.
Sa Malakanyang naka-quarantine ang pangulo kaya hindi nito magagawa ang nakagawian nang ipagdiwang ang Kaarawan sa Davao City kasama ang kaniyang mga apo.
“For a man in whose hands lie the heavy burden of steering the ship of state in these perilous times, he faces the dilemma of celebrating his natal day savouring the simple joy of playing with his grandchildren in Davao or spending it dangerously in Manila amongst his people to lead them in the war of survival against the coronavirus which has placed them, including himself, on the brink of disaster and death,” ayon kay Panelo.
Ayon naman sa Presidential Security Group, walang tatanggaping bisita ang pangulo bukas.