Bilang ng mga Pinoy na pumanaw sa COVID-19 sa ibang bansa umakyat na sa 4

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na pumanaw dahil sa sakit na COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), apat na ngaon ang bilang ng mga nasawing Pinoy.

Dalawa sa mga pumanaw ay mula sa Europe, isa sa Middle East/Africa at isa sa Asia Pacific Region.

245 naman ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa.

Sa nasabing bilang, 133 pa ang ginagamot at 108 ang nakalabas na ng ospital.

Ang mga Pinoy na apektado ng COVID-19 ay nasa 28 mga bansa at teritoryo.

Read more...