COVID-19 cases sa buong mundo mahigit kalahating milyon na

Umabot na sa mahigit kalahating milyon ang tinamaan ng sakit na COVID-19 sa buong mundo.

Alas 6:00 ng gabi ng Biyernes (March 27) ay 541,967 ang kabuuang kaso ng sakit sa 199 na bansa at teritoryong apektado nito.

Sa nasabing bilang, mahigit 24,000 ang nasawi; mahigit 125,000 ang naka-recover o gumaling; at mhigit 392,000 ang active cases.

Ang US ang nangunguna sa mga bansa na may pinakamaraming kaso na umabot na sa 85,612.

Ang China ay mayroong 81,340 cases; ang Italy ay mayroong 80,589 cases at ang Spain ay mayroong 57,786 cases.

Nasa panglimang pwesto ang Germany na may 47,278 cases, pang-anim ang Iran na may 32,332 cases.

Ang Italy naman ang nangunguna pa rin sa may pinakamaraming bilang ng nasawi na 8,215 na.

Sumunod ang China na mayroong 3,292 deaths at ikatlo ang Spain na mayroon nang 4,365 na bilang ng nasawi.

Kabilang ang Pilipinas sa nakapagtala ng bagong kaso at mga pasyenteng nasawi.

96 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kaya umabot na sa 803 ang cofirmed cases.

Habang 54 naman na ang death toll sa bansa matapos makapagtala ng 9 pang nasawi.

Read more...