Dating NDRRMC Director Ricardo Jalad sasailalim sa home quarantine

Nagsimula nang mag-Home Quarantine si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad.

Pinaniniwalaang na nung araw ng Sabado at Lunes na-expose si Jalad sa isang tao na positibo sa COVID-19.

Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na wala siyang nararamdaman alinman sa sintomas ng COVID-19, sakatunayan umano ay maayos ang kanyang pakiramdam.

Gayunman, sa ngayon ay itinuturing PUM o Person Under Monitoring na si Jalad at kailangan sumailalim sa 14 days home quarantine, base na rin sa panuntunan ng pinatutupad ng Department of Health (DOH).

Read more...