Sa update mula sa lokal na pamahalaan ng Marilao, ang pasyente ay isang 68 anyos na babae na dalawang taon nang naninirahan sa Heritage Homes Phase 6, Loma de Gato.
Ayon sa COVID-19 Incident Management Team ng Marilao, mayroong diabetes at hypertension ang pasyente.
At noong January 2020, siya rin ay nagkaroon ng pneumonia pero gumaling naman.
Nakaranas ng mataas na lagnat ang pasyente kamakailan at ubo.
Dahil dito, nagpagamot siya sa Mary Mount Hospital sa Meycauayan.
March 21, 2020 nang siya ay kuhanan ng nasal/throat swab para masuri sa COVID-19,
Puumanaw siya noong March 26, 2020 kasabay din ng paglabas ng resulta ng kaniyang test na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.
READ NEXT
Karagdagang bayad para sa mga import containers na nakatengga sa mga pantalan dapat alisin ng pamahalaan
MOST READ
LATEST STORIES