Kaso ng COVID-19 sa San Juan umakyat na sa 69

Umakyat na sa 69 ang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa San Juan.

May mga bagong barangay din na nakapagtala na ng unang kaso base sa impormasyong ibinahagi ni San Juan Mayor Francis Zamora.

Sa nasabing bilang, 10 ang pumanaw na, 27 ang nananatili sa ospital, 16 ang nakalabas na ng pagamutan at may 16 na sa bahay nagpapagaling.

Mayroon namang 109 na katao na itinuturing na persons under investigation (PUIs) habang 239 ang persons under monitoring (PUMs).

Ang Barangay Greenhills ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 na umabot sa 19.

Sumusunod naman ang West Crame na mayroong 13 pasyente.

Tatlong barangay na lang sa San Juan ang walang kaso ng COVID-19, ito ay ang Barangays Ermitano, Onse at Tibagan.

 

 

Read more...