Online medical consultation inilunsad ng Taguig

Ipinatutupad na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang bagong paraan para protektahan ang mga Taguigeños sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng Telemedicine magagawa na ng mga residente ng lungsod na magpakonsulta sa mga doktor ng kanilang karamdaman ng hindi na magtutungo 34 health centers.

Sinabi pa ni Mayor Lino Cayetano ang anumang ireresetang gamot ng kanilang doktor ay dadalhin na rin sa bahay ng residenteng nagpakonsulta.

Paliwanag nj Cayetano sa Telemedicine online ang pagkonsulta sa mga doktor at maari din kahit sa pamamagitan ng text message.

Aniya ginawa nila ito para matiyak na nakakasunod ang mga residente sa enhanced community quarantine.

Sa ganitong paraan maiiwasan din na magtipon-tipon sa ospital o health centers at hindi na mahihirapan sa pagpapatupad ng social distancing.

Dagdag pa ng opisyal hindi rin malalagay sa panganib ang kanilang mga medical at health workers.

Sinabi ni Cayetano kung emergency ang sitwasyon, maari naman isugod ang pasyente sa Taguig Pateros District Hospital.

Nasa mga barangay hall ang hotline numbers na maaring tawagan ng mga magpapakonsulta.

Read more...