Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, dahil ito sa umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine.
Sa ilalim ng polisiya ng BI, ang mga paalis na dayuhan require departing foreigners kung walang ACR I-Card ay kailangan nilang kumuha ng waiver order mula sa main office ng ahensya.
Sa ngayon ani Morente, hindi na muna hahanapan ng waiver orders ang mga dayuhan.
“We will no longer be requiring ACR I-Card Waiver Orders for departing foreign nationals. With the rapid spike in COVID-19 cases, we were prompted to take additional measures to lessen person to person contact,” ani Morente.
Sa halip sinabi ni Morente sapat na muna sa ngayon na makapagpakita ng passports at valid visas ang mga dayuhan.