Lahat ng tauhan ng PSG sasailalim sa self-quarantine hanggang Apr. 10

Photo grab from PCOO Facebook live video

Ipinag-utos ni Presidential Security Group (PSG) commander Col. Jesus Durante III na sumailalim sa self-quarantine.

Ayon kay Durante, magsisimula bukas, March 28 ang self-quarantine ng lahat ng PSG personnel at tatagal ito hanggang sa April 10.

Magtatalaga ng skeletal force mula sa mga tauhan ng Office of the President (OP) pero sasailalim pa rin sila sa mahigpit na screening procedures.

“OP personnel is to maintain their skeletal workforce and shall be allowed to go to their respective offices within Malacanang complex subject to regular screening procedures,” ayon kay Durante.

Magugunitang galing ng Malakanyang noong nakaraang linggo si ACT-CIS Rep. Eric Go Yap na nagpositibo sa COVID-19.

 

Read more...