Cellphone users sa China nabawasan ng 21 milyon sa nakalipas na tatlong buwan

Sa kasagsagan ng outbreak ng COVID-19, umabot sa 21 milyon ang nabawas sa bilang ng mga cellphone user sa China

Base sa inilabas na datos ng Ministry of Industry and Information Technology (MIIT) ng China noong March 19 malaki ang ibinaba ng bilang ng cellphone users.

Kapwa bumaba ang bilang ng cellphone at landline users.

Nakasaad sa datos na mula sa 1.600957 billion ay bumaba na sa 1.579927 billion na lang ang cellphone users sa China.

Nabawasan ng 21.03 million ang bilang.

Ang landline users naman ay bumaba din mula sa 190.83 million patungo sa 189.99 million na lamang o pagbaba na 840,000.

Sa datos ng mga telephone company sa China ang
China Mobile ay nawalan ng 8,116,000 subscribers noong January at February.

Ang China Unicom ay nawalan ng 1,186,000 subcribers noong January.

At ang China Telecom ay nawalan ng 6,030,000 subscribers noong January at February.

Ang COVID-19 outbreak sa China ay nagsimula noong December, at ang kasagsagan ng pagdami ng kaso nito ay January at February.

 

 

Read more...