Bilang ng nasawing doktor dahil sa COVID-19 umakyat na sa 10

Sampu na ang bilang ng mga doktor na nasasawi dahil sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni Dr. Jose Santiago Jr, presidente ng Philippine Medical Association (PMA).

Pero hindi naman pinangalanan ni Santiago ang panibagong nasawing doktor.

Hiniling ni Santiago sa pamahalaan na matugunan ang kakulangan ng personal protective equipment para sa mga health worker.

Sa ngayon ay marami rin aniyang health care workers ang na-expose sa COVID patients pero hindi pa naisasailalim sa COVID-19 test.

 

 

Read more...