DOT Sec. Puyat sasailalim din sa self-quarantine

Sasailalim din sa self-quarantine si Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat.

Ayon kay Puyat, nagkaroon siya ng exposure kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Felimon Santos Jr.

Huli silang nagkasama ni Santos sa pulong noong March 20.

Ayon kay Puyat, wala naman siyang nararanasang sintomas kaya hindi muna siya magpapasailalim sa COVID test lalo pa at limitado lamang ang suplay ng bansa sa test kits.

“Since I do not show any signs nor symptoms, I will now be having myself tested in order to save the limited supplies of testing kits to someone who truly needs it,” ayon kay Puyat.

Tiniyak naman ni Puyat na gagampanan pa rin niya ang tungkulin habang naka self-quarantine.

 

 

Read more...