Malungon, Sarangani niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers Northwest ng bayan ng Malungon, alas-10:56 umaga ng Biyernes (March 27).
phivolcs
May lalim na 30 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...