Designer brand na Ralph Lauren gagawa ng masks at isolation gowns para sa US frontliners

Sisimulan na ng designer brand na Ralph Lauren ang paggawa ng medical masks at gowns para ibigay sa mga frontliner sa Estados Unidos.

Ayon sa Ralph Lauren Corporate Foundation, gagawa sila ng 25,000 masks at 25,000 na isolation gowns.

Maliban dito, magdo-donate din ang foundation ng $10 million para sa global response sa COVID-19 pandemic.

Read more...