Mobile Store inilunsad sa San Mateo, Rizal; publiko pwedeng bumili ng pagkain sa pamamagitan ng text

Inilusad sa San Mateo, Rizal ang Mobile Store kung saan pwedeng bumili ng pangunahing bilihin ang mga residente nito sa pamamagitan lamang ng text.

Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa tatlong local private companies na GTFG, Strawberry Food Corp., at Rizal Poultry.mobile

Kabilang sa maaring bilhin ang manok, gulay, prutas, mga pangsahog, kape, de lata, sabon, shampoo at iba pa.

Narito ang mga paraan para makabili ng produkto ang Narito po ang product and price list ng ating Mobile Store.

1. Para sa GTGF, ipadala ang inyong order sa email address ng GTGF (javhen.ricafort@gtgffoodcorp.com). O i-text ang order sa 0925 355 1321. Ilagay po ang inyong pangalan, address, at contact details.

2. Sa Strawberry Food Corporation, itext ang inyong order sa 0917 5963 547 o 0917 5963 557. Isama sa inyong order ang pangalan, address, at contact details.

Ang minimum na halaga ng bawat order ay P150.

Ang order ay ide-deliver sa tahanan sa loob ng susunod na 48 oras.

Read more...