Ayon sa pahayag ng DepEd, isang school division official sa Mandaluyong ang positibo sa sakit.
Naka-admit sa ospital ang pasyente at may senyales naman ng paggaling.
Wala naman sa mga kasamahan at nakasalamuha nito ang nagpapakita ng sintomas sa ngayon.
Ang nasabing opisyal ay dumalo sa mga national event gaya ng National Festival of Talents (NFOT) at National Schools Press Conference (NSPC).
Ayon sa DepEd nakipag-ugnayan na sila sa Department of Health at iniutos na ni Health Sec. Francisco Duque III ang pagsasagawa ng contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES