Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, nagpositibo si Villarica sa coronavirus matapos na makatanggap ng kumpirmasyon mula sa COVID-19 test result nito kahapon.
Huling pumasok ng Kamara si Villarica noong March 4.
March 8 ay dumalo pa si Villarica sa isang event ni Baliuag Mayor Ferdie Estrella na nauna nang naireport na positibo sa COVID-19.
Isinugod ang mambabatas sa pagamutan nitong March 18 dahil sa pneumonia.
Sinabi naman ni Montales na stable na ang kondisyon ng kongresista.
Pinag-quarantine na ang asawa nito na si Meycauayan City Mayor Linabelle Ruth Villarica at ang mga staff ng mambabatas.
Samantala, nagnegatibo naman si Manila Teachers Party List Rep. Virgilio Lacson sa COVID-19.
Sabi ni Montales, sa initial screenings kay Lacson ay postibo ito pero base sa sample na dinala sa RITM para sa final testing lumabas na negatibo sa COVID-19 ang kongresista.
Si Lacson din ang sinasabi ni Isabela Tonypet Albano na isa pang kongresita na nagpositibo sa COVID-19.