Public school sa San Juan gagamiting isolation facility para sa PUIs

Gagamiting isolation facility para sa persons under investigation (PUIs) sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang public high school building sa San Juan City.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, isang kasunduan ang lalagdaan ng lokal na pamahalaan at ng pamunuan ng Xavier School para makapagtayo ng 100-bed quarantine facility.

Gagamitin ang isang unattended building sa San Juan City Science High School.

Sinabi ni Zamora na hindi pa nagagamit ang naturang gusali.

Tutulong din ang The Xavier School Community para malagyan ng gamit ang pasilidad gaya ng hospital beds, mobile x-rays, medical supplies, medicines, medical personnel, pagkain at iba pang kailangan.

Read more...