Water level ng Angat dam nasa 197.61 meters na lang
By Dona Dominguez-Cargullo March 27, 2020 - 07:38 AM
Nabawasan pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes (March 27) ang water level ng Angat dam ay 197.61 meters.
Nabawasan din ang water level ng Ipo dam na nasa 101.08 meters.
Wala namang pagbabago sa antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.95 meters.
Nabawasan din ang water level ng Ambuklao San Roque, Pantabangan, at Caliraya dams.
Habang nadagdagan ng bahagya ang ang Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.