Ayon sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) marami nang air carriers ang nagsuspinde ng operasyon dahil sa epekto ng COVID-19.
Epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng March 28, ang sumusunod na airlines ay sa NAIA Terminal 1 na lang muna mag-ooperate:
Gulf Air
Korean Airlines
Asiana Airlines
China Airlines
Hong Kong Air
Eva Air
Japan Airlines
Royal Brunei
All Nippon Airways
Cathay Pacific
Qatar Airways
Singapore Airlines
Ang Oman Air at Jeju Air ay titigil na rin muna sa kanilang operasyon simula ngayong araw, March 27.
Habang simula sa Linggo, March 29 ay sususpindihin na rin ng Singapore Airlines ang kanilang operasyon.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal ang hakbang ay kasunod ng konsultasyon sa Airline Operators Council (AOC) at base na rin sa utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade.