Metro Manila kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng highest temperature kahapon

Nakapagtala ng mainit na temperatura sa maraming lugar sa bansa kahapon, March 26.

Sa datos mula sa PAGASA, ang pinakamataas na temperatura na naitala kahapon ay sa San Jose, Occidental Mindoro na umabot sa 37 degrees Celsius.

Kasama din ang Metro Manila sa mga lugar na nakapagtala ng highest temperatures kahapon.

Ang iba pang mga lugar sa bansa na nakapagtala ng mainit na temperatura ay ang mga sumusunod:

Camiling, Tarlac- 35.5 degrees Celsius
Catbalogan City – 35.5 degrees Celsius
Cotabato City -35.0 degrees Celsius
Hacienda Luisita, Tarlac – 34.8 degrees Celsius
Sangley Point, Cavite – 34.8 degrees Celsius
Science Garden, Quezon City – 34.8 degrees Celsius

Ayon sa PAGASA, ang heat index o ang init na naramdaman sa katawan ng tao sa Quezon City ay umabot sa 35 degrees Celsius ganap na ala 1:00 ng hapon.

Read more...