Ang pagyanig ay naitala sa layong 46 kilometers southeast ng Sarangani alas 11:38 ng gabi ng Huwebes, March 27.
May lalim na 49 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na intensities:
Intensity V – Maasim, Glan, and Malapatan, Sarangani; Tupi, South Cotabato; General Santos City; Palimbang, Sultan Kudarat
Intensity IV – Jose Abad Santos, Malita, and Sarangani, Davao Occidental; Koronadal City
Intensity III – Davao City; Maco, and Mawab, Davao de Oro
Sinabi ng Phivolcs na maaring magdulot ng pinsala at aftershocks ang naturang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES