Ayon kay Tolentino, may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte base sa Bayanihan to Heal as One Act na italaga ang mga pampasaherong barko bilang quarantine hospital.
Sa kanyang sulat kay Transport Secretary Arthur Tugade, sinabi ni Tolentino na maaring magtalaga ng tig-isang hospital vessel sa Manila Port, Cebu Port at Davao Port.
“Mas maganda gamitin natin ang mga barko na marahil ay nakadaong lang ngayon para magamit ito ng ating mga health workers bilang mga ospital at titirhan nila,” ayon sa senador.
Binanggit nito na ang hindi na pagtanggap ng ilang pribadong ospital ng COVID-19 patients dahil wala na silang mapapaglagyan pa ng mga karagdagang pasyente.