Ang unang kinasuhan ay si Maria Diane Serrano ng Barangay Banaynay sa Cabuyao City.
Sa ulat ng PNP Anti-Cybercrime Group, nag-post si Serrano sa social media ukol sa isang pasyente ng COVID-19 na aniya ay namatay sa Global Medical Center sa lungsod noong Pebrero.
Ang kanyang post ay nagdulot ng matinding panic sa mga residente ng Cabuyao City.
Nagpakalat naman ng maling impormasyon ukol sa viral outbreak sa Lapu-Lapu City sina Fritz John Menguito, Sherlyn Solis at Mae Ann Pino.
Nahaharap ang apat sa mga kasong paglabag sa Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances under Article 154 ng Revised Penal Code (Online Libel) at paglabag sa Republic Act No. 10175 o ang Anti-Cybercrime Law.